Sunod sunod sa mga kakilala ko ang kinakasal. Noong nakaraang taon si pareng Maeng. Sumunod si pareng Jay. Kelan lang si Osep. Epekto na ‘to ng global warming kaya madaling nag-iinit ang mga tao at nagpapakasal. Pumapasok na tayo sa panahon ng tag-libog mga kaibigan.
Isa sa mga importanteng impluwensiya sa buhay ko si Maeng. ‘Yung mabuting impluwensiya galing sa kanya. ‘Yung masama, napulot ko lang sa tabi-tabi dito sa Maynila. Kala ko nga ‘di na mag-aasawa ‘yun dahil pag nanonood kami dati ng porn sa opisina, hindi ‘yun nakikinood, masama daw magagalit si God. Sa pustahan namin ng isa pang barkadang si Javi, si Maeng ang unang magpapari sa barkada. Sino ba namang matinong tao ang aayaw sa porn? Wala di ba? Pari lang.
‘Yun pala sa huli ay hinihintay lang niya ang tunay na pag-ibig. Naks.
Si pareng Jhay naman dati kong kaopisina nung bagong salta ako dito sa Maynila. Walang ere. Tahimik pero manyakol. Kasama ko sa mga lakaran at panonood ng PBA. Ginebra fanboy. Matagal na sila ng syota nya at ‘pag nagkakalabuan, ako ang nagsisilbing ‘love guru’. Sinabihan ko rin siya na tigilan na niya ‘yung kakaiyot niya dun sa babaeng bayaran sa Bulacan at baka magka-tulo siya. Nakinig naman.
Kaya bago ang kasal ni pareng Jhay wala na munang stag party. Iwas disgrasya. Iwas tulo.
Si Osep naman ang naging asawa ni Ishy, na bridesmaid naman dati ni misis noong kasal namin Mga bagong kakilala dito sa Maynila. Malaki ang utang na loob namin sa dalawang ‘yan dahil sa kanila kami umutang ng pampakasal namin noon. Hindi ko naman sinasabi na utangan niyo din sila, kaibiganin nyo muna. At ngayong sila naman ang nagkatuluyan, kasama kami sa mga taong masaya para sa kanila.
Pero kung kaming mga lalake ang tatanungin, ang totoo nyan ayaw talaga namin ng kasal. Babae lang naman ang may gusto ng kasal. Ang kasal ay imbensyon ng mga kababaihan para gawing ‘private property’ ang kalalakihan. At ang wedding ring ay pinaliit lang na posas para gawin kaming bilanggo habambuhay. Kayong mga babae, sana maintindihan nyo na kami ay regalo ng Diyos sa inyo, at ang regalo dapat i-share. Ok? Lol.
Isa pang ayaw ko ‘pag kasal ka na, madami nang pinagbabawal si misis. Pag nasa labas ka ng bahay, bawal na ang ‘good time’. Bakit kelangan ba dapat nasa ‘bad time’ na lang palagi?
Isa pang pagbabago:
NOONG MAGSYOTA PA LANG
Badoodles: BebeKo, I love you.
BebeKo: I love you too.
NGAYONG KASAL NA
Badoodles: BebeKo, I love you. Mwah mwah tsup tsup!
BebeKo: I love you ka dyan. Aylabyuhin mo muka mo. Siguro may ginawa kang kasalanan ano!?
Buhay nga naman… Pero siyempre wala nakong magagawa dun. Pinasok ko ‘to. ‘Touch move’. Ang pwede ko na lang gawin ay tanggapin na may sabit na ako at mahalin kung anong meron ako ngayon. At siyempre talagang sobrang mahal ko si misis kaya ako nagpakasal. Biglang bawi? Haha. Sa huli, maiisip mong mas masarap pa rin na may nagmamay-ari na sa ‘yo at tanggap ka kung sino ka.
Hypothetical question: Sinong ‘celebrity’ ang gusto mong pakasalan? Kwento naman dyan. Hindi pwedeng ako lang.
Piktyur 1] Prenup pictorial nina Osep at Ish.