Quantcast
Channel: kwentongbarbero.wordpress.com » Uncategorized
Viewing all articles
Browse latest Browse all 11

Chiksilog for Blogger’s Choice Award

$
0
0

Sa ilang taon nang pagbibigay ng sandamakmak na tropeo ng Philippine Blog Awards, ilan na ba sa mga pinarangalan ang tagalog na blogs? Mahina ako sa bilangan, pero tingin ko naman kayang kaya kong bilangin kung ilan lang gamit ang isang kamay, kahit pa okupado ang ibang daliri ko sa pangungulangot. Sa pagkakaalam ko, si Samjuan.ph saka kwentongtambay.com – parehong OFW blogger. Ilagay natin sa statistics ‘yan, sa binigay na 76 awards para sa mga best Pinoy blogs sa iba’t ibang larangan, dalawa lang dito ang tagalog blogs o 2.6%. Bakit ganun? Di ko alam. Pero ang teorya ko, Ingles ang simbolo ng pagiging edukado ng isang blog.

Alala ko ang isang obserbasyon ko noong nasa law school pa ako. Sa kasaysayan ng mundo, ang mga batas at desisyon ng hukuman ng isang bansa ay nasusulat sa sariling wika. Pero ang mga batas at mga desisyon ng Korte Suprema ng Pilipinas mula noong unang panahon [190o’s] hanggang ngayon ay nasusulat sa dalawang lenggwahe: Espanyol at Ingles. Ang wika ang kaluluwa ng isang bansa, pero anong klaseng katrayduran ang kayang gawin para isulat ang mga batas natin sa banyagang salita? Pano ito maiintindihan ng mas nakararami? Hindi natin pwedeng sisihin ang isa’t isa pero ang pagiging colonial mentality natin ay may malalim na pinag-ugatan sa ating kasaysayan.

At iniisip ko rin, kaya mabagal ang galaw ng hustisya sa ‘tin, kasi ‘yung mga judge kelangan pa nilang isulat ang desisyon nila sa Ingles. Anhirap nun. Isipin mo kung tagalog ‘yun e di mas madali, sabihin mo lang, ‘Sa salang panggagasa ng kambing, ikaw ay hinahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo at putol titi’. Mas madali sabihin di ba? Tapos ang kaso. Kesa:

‘Upon the review of this Honorable High court, for forcefully coercing the goat, with malice and criminal intent to an unnecessarily, abusive, despicable sexual act, you are hereby sentenced with destierro or life imprisonment and.. and… [hirap na inglisin ‘yung putol titi].

Ang gusto ko lang naman talaga sabihin, paminsan-minsan naman, gawin nating bida ang sarili nating wika. Yung mga tagalog na blogs.

Kaya para sa 2010 Philippine Blog Awards, binoboto ko para sa Blogger’s Choice si chiksilog.com. Bakit Blogger’s Choice? Eto lang ang pagkakataon na may mananalong tagalog blog. At bakit si chiksilog? Dahil siya ang isa sa mga nakilala kong may bayag kung managalog. Siya lang din ang kupal makipagtalastasan sa sariling wika. Siya lang ang kilala kong hindi takot gamitin ang sariling wika, habang ang nakararaming blogger ay pinili ang daan ng ng pagsusulat sa wikang ingles, dahil ito ang ‘cool’.

At sa mga naniniwala dito sa pinagsasabi ko, sa mga kapwa ko bloggers, alam mo na ang iyong gagawin.

1. Gumawa ng entry bilang boto sa chiksilog.com.

2. Mag-iwan ng link ng iyong blog entry sa http://www.philippineblogawards.com.ph/2010/12/02/voting-for-the-2010-bloggers-choice-award-is-now-open/



Viewing all articles
Browse latest Browse all 11

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan